Lahat ng mga pagkakamali ko dito sa opisina, nakayanan kong gawan ng paraan o lusutan. At pag katapos, ginawa ko na lang syang aral para sa sarili na hindi ko ulitin uli.
Pero eto pinaka bagong katangahan, hindi ko nakayanan. Kase umabot na sa punto na ang deadline eh mukhang di ko maabutan. Ang masaklap pa neto… hinihintay kong si amo eh pagalitan o pagsabihan ako, pero pagkatapos ang matagal na usapan at diskusyunan sa kinatataas, eh mahinahon lang akong sinabihan na “sa susunod wag ganun”. Pakshet…. mas lalo ko naramdaman na gilting-gilty na ako!
… hirap neto ah… yung pag tatagalog, pati na rin ang pagkakamali….