Pinagbabawal

Dati, sabi sabi lang. Ngayon mukhang tinutotoo na. Bawal na gumamit ng “mukhang libro” sa opisina. Kahit anung oras. Pakshet naman. Anu na pampetiks ko nyan?? Sabagay, sobrang inaabuso na ng mga tao dito. Di ko sila (mga amo) masisi. Sisihin ko na lang ang mga gumawa ng panlarong bukirin. Peste, bakit ba kse daming na-a-adik dun? Kailangan ba talagang minut-minuto, alamin kung anu nangyari sa mga tanamin?

In fairness, di naman ako nag bubukid (laro or otherwise). So di naman ako na-gigilty pag sinabi nilang puro laro lang daw ginagawa dito. Slight guilt lang. Pabasa-basa sa mga status, paupdate-update ng mga ginagawa, pachat-chat na lang sa mga online din. Pero not all the time. Sometimes lang. Pag wala ng ginagawa (minsan lang naman yun eh). Kaya nakakapikon na biglang, wala na. Hinarang na ang access. Goodbye, mukhang libro. Wala ka ng pwesto dito sa opisina. Makikita na lang kita pag uwi ko ng bahay.

Heniweis, ganun siguro talaga buhay. Kailangan ng konting bawal, mas lalo na sa opisina. Disiplina daw, para mas maging productive. **Hindi kita binabayaran para mag payaman sa farm mo!** Pero syempre, mas gugustuhin ko na lang umuwi ng maaga kesa mag “multi tasking” dito, diba? Howel, howel.

Masamang epekto ng mukhang libro na yan. Napagblog ako ng wala sa oras. Eh ang gusto ko lang naman gawin kaya ko nalaman na wala na akong access, ay mag iwan ng status message na: “salamat sa mukhang libro, eto na lang ang nagpapasaya sa akin pag tapos ng mahabang araw.”

Hais.

Advertisements

3 thoughts on “Pinagbabawal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s