Aray

Yes, tao po ako. Nakakaramdam ng sakit pag…
– napagiwanan
– napagsabihan
– nasaktan
– nabastos
– hindi binigyan ng halaga
– napabayaan
– nasakal
– nagselos
– napahiya
– natapakan ng pride o ng ego

at higit sa lahat…

pag nasiraan ng mahal na telepono.  ** Sa susunod na kwentuhan na lang yan.

Tao lang po ako. At kahit maraming paraan para mapigilan o maiwasan ng masaktan, mangyayari pa din yun. Hindi dahil ginusto, it’s just the way it is. Tao lang ako, at tao lang din naman ang mga nasa paligid ko. May mga hindi naman nanadyang manakit, at meron din naman yung mga ikinatutuwa pag nalalaman nilang nandudurusa ako. Pero ayus lang yun. Sila yun.

Kaya pagbigyan mo na ako kung minsan nag e-emote ako, nag whi-whine o umiiyak. Dahil di ko rin naman ginusto yun. Pabayaan mo na lang ako matuto sa mga pagkakamali, ma-get over ang mga di makatarungan at malagpasan ang negatibong emosyon. Pabayaan mo kong maramdaman ang lungkot at ang sakit, para maranasan ko ang tunay na kakayanan kong tumayo, magpatawad (ng kapwa at ng sarili), at matuto. Pana-panahon lang yan. Minsan masaya, at minsan hindi.

Kung tunay kang kaibigan, kung tunay kang nagmamahal, kaya mong magtiwala na magiging okay ako, kaya mong makinig pag kailangan kita, at kaya mo kong pagsabihan pag hindi ako natuto (wag naman masyadong harsh, malungkot nga ako diba). At minsan ang kinakasakit ko ay dahil nasaktan kita, so sana kaya mo din magpatawad.

Salamat sa pag intindi at sa pagunawa.

Advertisements

2 thoughts on “Aray

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s